Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Eto ang pinatutugtog ng aking cellphone nung gabing maliwanag ang buwan.. at nagniningning ang mga bituin sa kalingitan.. Pero di ko paring lubusan maisip kung ano ung sagot nya sa tanong ko noong gabing iyon..
At di ko rin alam kung para saan ung ngiti at ung pasimpleng tawa nya.. Ah.. mababaliw na yata ako...
Ang hirap mag isip ng follow up question. ~x(

Posted by lovefull on April 26, 2010 at 10:52 PM | 4 cares

Want to comment with Tabulas?. Please login.

Comment posted on April 27th, 2010 at 06:06 PM
hahahahaha wow! may ganun? LOL
Comment posted on April 27th, 2010 at 09:23 AM
yiee! >.<
Comment posted on April 27th, 2010 at 12:46 AM
uyyyy :)
Comment posted on April 26th, 2010 at 10:56 PM
Wehehehe mukhang may in lab na ah! Tuloy mo lang yan brad!